KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

pag•ki•lá•la


Pangngalan
kilála

1. Anumang pagsang-ayon o pag-amin na tunay o totoo ang isang bagay.
Kahanga-hanga ang pagkilála mo sa iyong pagkakamali.

2. Anumang pag-alam o pagpapatunay na ang isang tanging bagay, tao, atbp. ay talagang iyon nga.
Nangangailangan ng tulong ng mga dalubhasa ang pagkilála sa isang lagda.

3. Pagtanggap na ang anuman ay may bisà o may karapatang isaalang-alang o kilalanin.
Labag sa batas ang hindi nila pagkilála sa ipinása kong dokumento.

4. Anumang pagpapahalaga sa kabutihan, paglilingkod, kanais-nais na katangian, atbp. ng isang tao.
Hindi niya isinasantabi ang pagkilála ng utang-na-loob sa táong tumulong sa kaniya.

Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.