KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

pí•ling


Pangngalan

Kalagayan na malápit o magkatabi ng sinuman, karaniwang sa mga mahal sa búhay.
Masaya si Tanya sa píling ni John.

  • • makapíling: Pandiwa
  • • kapíling, magkapíling: Pang-uri

pi•líng


Pangngalan

1. Bahaging kinakapitan ng bawat piraso ng saging.

2. Isang kumpol ng prutas (gaya ng saging, lansones, duhat, atbp.).

  • • pilingán: Pandiwa
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.