KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Pá•pa


Pangngalan

Tingnan ang Sánto Pápa

pá•pa


Pangngalan

Karaniwang súkat ng lápad ng tela na karaniwang nabibili.

pa•pâ


Pangngalan

Anyo ng bubong ng bahay na mababà; pagkamamababà ng balangkas.

pa•pá


Pangngalan
Espanyol

Tawag ng anak sa ama.
DADDY, ITÁY, TÁTA, TÁTANG

pa•pà


Pangngalan

Sa mga batang bago pa lámang na nagsasalita, pag•ká•in.

Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.