KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

má•las


Pangngalan

Pagtutuon ng tingin sa isang bagay.
MASÍD, TANÁW, SULYÁP

  • • pagmálas, pangmálas: Pangngalan
  • • malásin, mamálas: Pandiwa

má•las


Pang-uri

1. Masamáng kapalaran.
Naging málas na ang búhay niya mula nang makulong.
KULÁNG-PÁLAD

2. Walang suwerte.
Málas sa búhay ang mga suwail na anak sa magulang.
SÁMAIN

  • • kamalásan: Pangngalan
  • • malásin: Pandiwa
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.