KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

lí•kas


Pangngalan

Pag-alis sa isang pook na mapanganib upang tumúngo sa pook na ligtas.
BAKWÉT, ULÓG

  • • paglíkas, palikás: Pangngalan
  • • ilíkas, lumíkas: Pandiwa

li•kás


Pang-uri

1. Matatagpuan sa kalikasan at hindi gawa ng tao.
NATURÁL

2. Nauukol sa katangiang umiral na mula sa kapanganakan.
KATUTUBÒ

Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.