KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

lap•nós


Pangngalan

MEDISINA Balát na natuklap sa lamán dahil sa pagkakapasò.
Hindi pa gumagaling ang lapnós ko sa kamay.

  • • lapnusín, lumapnós, malapnós, nalapnós: Pandiwa

lap•nós


Pang-uri

MEDISINA Tukláp (kung sa balát na nabanlian o napasò).
Naipit ang lapnós na daliri ni Genita.
LAPNÍS

Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.