KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

lan•dî


Pangngalan

1. Kagustuhang makaakit ng ibang tao sa seksuwal o romantikong dahilan.
KAHALIPARUTÁN, KANDÍ

2. Mga pamamaraan para makamit ito, tulad ng magaslaw na kilos.
ALÉMBONG, HALIPARÓT, HARÓT, KALANDIÁN, KIRÍ, LANTÓD

  • • kalandián, landían, paglandî: Pangngalan
  • • landián, landiín, lumandî, maglandî, nilandî: Pandiwa
  • • malandî: Pang-uri

lan•dî


Pangngalan

Paghawak at paglalaro sa isang bagay (tulad ng tubig atbp.).

  • • paglandî : Pangngalan
  • • landiín, maglandî: Pandiwa

lan•dî


Pang-uri

Tingnan ang malandî

Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.