Kahigitan sa habà, taas, layò, atbp. Isang metro ang lampás niya kay Lydia. → SÓBRA, LUBHÂ, LUSÓT
1. Higit ang habà, taás, layò, atbp.; labis sa nararapat. Lampás na siya sa itinakdang bílang ng páhiná na kailangang basahin. → MASYÁDO
2. Nakaraan na. Lampás na sa oras ang pag-inom mo ng gamot.
3. Tingnan ang tagós