KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

la•kò


Pangngalan

1. Pagtitinda ng anuman sa pamamagitan ng paglakad-lakad o bahay-bahay na pag-aalok ng paninda.

2. Panindang ipinagbibili sa ganoong paraan.

  • • maglalakò, manlalakò, paglalakò, tagapaglakò: Pangngalan
  • • ilakò, lakuán, maglakò: Pandiwa
  • paglakuán
    ➞ Pagsinungalingan; paghambugan.
    Malamang paglakuán ka ni Job tungkol sa umano’y mamaháling kotse niya.
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.