KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

la•gas•lás


Pangngalan

1. Tunog ng agos ng tubig sa ilog na mabato o mula sa itaas ng isang talon.
LAGUNGLÓNG

2. Tunog ng mababaw ngunit mabilis na agos ng tubig.
LAGUNÓS

3. Tunog ng mga dahong gumagalaw sa ihip ng hangin.
LAGISLÍS

  • • lagaslásan: Pangngalan
  • • lumagaslás: Pandiwa
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.