KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

la•yág


Pangngalan

1. MEDISINA Hindi pagkakaroon ng regla ng isang babae sa takdang petsa.

2. MEDISINA Tingnan ang menopause

lá•yag


Pangngalan

NAUTIKA Malapad na tela o kambas na may pampatigas na kahoy (karaniwan ay kawáyan) sa mga gilid at ikinakabit sa sasakyáng-dagat upang umusad sa pamamagitan ng hangin.
BÉLA

  • • layagán: Pangngalan
  • • layágan: Pandiwa

la•yág


Pangngalan

NAUTIKA Paglalakbay sa karagatan gámit ang sasakyang-dagat.

  • • manlalayág, paglalayág: Pangngalan
  • • maglayág, naglayág: Pandiwa

la•yág


Pang-uri

Palalibot o mahilig maglakbay sa karagatan.

Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.