KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

kun•dá•ngan


Pangngalan

1. Tingnan ang paggálang
Nasaan ang kundángan mo sa mga táong nagpalaki sa iyo?

2. Tingnan ang pagpapahalagá

  • • pagpapakundángan: Pangngalan
  • • magpakundángan, pakundángan: Pandiwa
  • • mapagpakundángan: Pang-uri

kun•dá•ngan


Pangatnig
kung+dángan

Mangyari ay; mangyari kasi; dahil sa.
Kundánga’y gabí ka na umuuwi kayâ hindi mo inabutan ang nanay.

Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.