KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

ka•ma•lá•san


Pangngalan
málas

Pagiging malas; pagdanas ng masamang kapalaran.
Sunod-sunod ang kamalásan na dumating sa pamilya nila.
KASAMAÁNG-PÁLAD

ka•ma•lá•san


Pandiwa
málas

Kakitahan ng mga kanais-nais na katangian ng isang tao.
Mahirap kamalásan ng sipag at tiyaga ang táong tamad.

Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.