KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

ka•lás


Pangngalan
ka•lág

1. Pagkaalis ng talì, buhol, o anumang pisikal na pagkakadikit.
KALÁG

2. Paghiwalay mula sa isang kapisanan o samahán; pagtalikod sa kasunduan.
TIWALÁG

ka•lás


Pang-uri

Nakatanggal o hindi nakatali.
KALÁG, LANÁS

  • • pagkalás: Pangngalan
  • • ipakalás, kalasín, kumalás, magkalás, makalás, mangalás, nakalás: Pandiwa
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.