KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

ki•síg


Pangngalan

1. MEDISINA Karamdamang likha ng malaria o ngiki na nagpapamagâ sa lapay kapag malubha na at nagpapanilaw ng balát.

2. Tingnan ang pulíkat

kí•sig


Pangngalan

Pagiging mainam ng tindig, kilos, at pananamit ng isang laláki na nakatatawag-pansin o kahali-halina.
BÍKAS, GARÀ, GÍLAS, KAGILÁSAN, KAKISÍGAN

  • • kakisígan: Pangngalan
  • • magmakísig: Pandiwa
  • • makísig: Pang-uri
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.