KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

ká•pa


Pangngalan

1. Balabal na mahaba, malapad, at walang manggas na ikinakabit sa likod ng damit ng magsusuot gaya ng reyna, hari, o arsobispo.
ABRÍGO, MÁNTA

2. Sapin ng manipis na bagay.

  • • magkápa: Pandiwa
  • • nakakápa: Pang-uri

ká•pa


Pangngalan

1. Tingnan ang lináb

2. Bulâ na nakalutang sa tubig.

3. Tingnan ang halágap

ka•pâ


Pangngalan
nga•pâ

Paghahanap gámit ang kamay sa anumang hindi nakikita dahil sa kalabuan ng mata o kadiliman ng lugar.
APÚHAP, KAPKÁP, SALÁT

  • • pagkapâ: Pangngalan
  • • kapaán, kapaín, kumapâ, mangapâ, mangkapâ: Pandiwa
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.