KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

hud•yát


Pangngalan

Anumang pangyayaring nagbababalâ ng darating na sakuna; palatandaan ng lihim na pag-uunawaan.
Ang hudyát sa masamáng panahon ay ang maitim na ulap.
BABALÂ, HIWÁTIG, MUWÉSTRA, PAHIWÁTIG, SENYÁS

  • • hudyátan, kahudyatán, paghudyát: Pangngalan
  • • hudyatán, humudyát, ihudyát, ipahudyát, maghudyátan, maihudyát: Pandiwa
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.