KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

hig•náw


Pangngalan

1. Paglipas o pagtigil ng anumang biglang bumubugsô at nagbibigay ng pinsalà (gaya ng bagyo, bahâ, atbp).
AMPÁT, HIBÁS, HUPÀ, TÍGIL

2. Katahimíkan ng paligid pagkatapos ng bagyo.
KAHINAHÚNAN, KALMÁDO, KAPAYAPÁAN, LAMIKMÍK, PAYAPÀ

  • • kahignawán, paghignáw: Pangngalan
  • • humignáw: Pandiwa
  • • mahignáw: Pang-uri

hignáw


Pang-uri

Tumutukoy sa kalmado o tahimik na kalagayan ng paligid matapos ang isang malakas na bagyo o kaguluhan.
Hignáw na ang malakas na hangin ng bagyo.

Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.