KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

ha•tì


Pangngalan

1. Pagbiyak ng bagay sa magkakaibang bahagi.

2. Marka ng pagkakabiyak o pagkakahiwalay.

3. Pagbabahagi sa anumang piniraso o hiniwa.
PARTÉ

4. Ayos ng buhok na may biyak.
HAWÌ, PÚRKA

  • • hatián, kahatì, paghahatì, paghatì, pagkahatì: Pangngalan
  • • hatían, hatíin, ipaghatì, maghatì, magkahatì-hatì, mahatì, makihatì, mapaghatì, mapaghatían, paghatían, paghatíin, paghatî-hatíin: Pandiwa

ha•tî


Pang-uri

1. May biyak sa gitna.

2. Nabahagi na.

Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.