KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

han•dóg


Pangngalan

1. Bagay na ibinigay nang buong puso sa isang tao.
ÁLAY, DONASYÓN, KALOÓB, REGÁLO

2. Pag-aalay ng awitin, tula, o iba pang katulad para sa kapuwa o okasyon.

3. Pag-aalay ng dasal sa sinasamba.

  • • paghahandóg, panghandóg: Pangngalan
  • • handugán, ihandóg, ipanghandóg, maghandóg, magpahandóg, paghandugán: Pandiwa
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.