KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

han•dâ


Pangngalan

Iba’t ibang pagkaing inilaan sa mga panauhin.
Sari-sari ang handâ niya sa kaniyang kaarawan.
HÁIN, PUTÁHE

  • • handáan, paghahandâ: Pangngalan
  • • hinandâ, maghandâ: Pandiwa

han•dâ


Pang-uri

1. Nakapagsagawa na ng mga kailangan bago ang isang inaasahan.
PREPARÁDO

2. Ginawa para sa tiyak na paggamit o pagsasaalang-alang.
APROPYÁDO, DISPUWÉSTO, LAÁN, PREPARÁDO

3. Maaari o angkop nang gamítin para sa isang gawain.
LAÁN, PREPARÁDO

  • • kahandaán, paghahandâ: Pangngalan
  • • hinandâ, humandâ, ihandâ, maghandâ, paghandaán: Pandiwa
  • • nakahandâ: Pang-uri
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.