KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

ha•lò


Pangngalan

1. Pagsasáma ng isang bagay sa iba sa loob ng sisidlan.

2. Pagpapagalaw sa laman ng sisidlan upang magsáma-sáma ang mga sangkap.

3. Paglapit o pakikisáma sa karamihan.

  • • kahalò, paghalò, paghalúan, pakikihalò, panghalò: Pangngalan
  • • halúan, halúin, hinalò, humalò, ihalò, ipaghalò, ipanghalò, maghalò, mahalò, makihalò, paghalúin: Pandiwa
  • • mapaghalò: Pang-uri
  • maghahalò ang balát sa tinalúpan
    ➞ Matúngo sa masamâ ang usapan; maging magulo ang pag-uusap.

há•lo


Pangngalan

Matigas na kahoy na ginagamit sa pagbayo ng palay sa lusong.

ha•lô


Pang-uri

Magkasáma sa sisidlan; magkalahok.
Halô nang lahat ang lahok kayâ pakukuluin at hahaluin na lang ang niluluto nating ginataan.
SÁMA-SÁMA

Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.