1. Pagkakatayong nakatagilíd o nakahapay; pagsandal sa anumang bagay.
Naantala ang datíng ng kaibigan niya sa kanilang tagpuan kaya napatagal ang hílig ng kaniyang katawan sa posteng naroon.
→ KÍLING, PALÍNG, SANDÍG
2. Nakahuhumalingang gawin ng sinuman.
Ang hílig niya ay magdisenyo at manahi ng damit.
→ GUSTÓ, INTERÉS, KAGUSTÚHAN, NÁIS
3. Natural na pagkakasandig sa pagkabaluktot.
Sa bandang kaliwa ang hílig ng katawan niya sa paghiga.