KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

gí•taw


Pangngalan

1. Paglabas sa pinagtataguan, mula sa dilim, o sa matagal na pagkawala.

2. Pamumukod sa karamihan o ang pagiging pansínin dahil sa angking katangian.

3. Wala sa panahong pagsibol ng halaman.

  • • paggítaw: Pangngalan
  • • gitáwan, gumítaw, makagítaw, pagitáwin: Pandiwa

gi•táw


Pang-uri

Tingnan ang lantád

  • • makagitáw: Pandiwa
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.