KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

gi•bâ


Pangngalan

Matinding pagsira sa kabuoan ng anumang estruktura.
Panay ang gibâ nila sa bahay ng mga squatter sa tabing-ilog.
OBLITERASYÓN

  • • paggibâ, pagkagibâ, pagpapagibâ: Pangngalan
  • • gibaín, ginibâ, gumibâ, igibâ, maggibâ, magibâ: Pandiwa

gi•bâ


Pang-uri

Ganap na nasira (ang estruktura).
Gibâ ang maraming bahay sa amin dahil sa nagdaang bagyo.
WASÁK

Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.