1. Guhit na pananda gaya ng matatagpuan sa tásang pansukat.
Hanggang sa gatlâ ng takalán mo sukatin ang bigas na isasaing.
2. Bahagyang hiwà sa isang bagay.
Nakita niyang humaba ang gatlâ sa salamin ng kaniyang mesa.
3. Guhit sa balát ng tao dahil sa katandaan.
Makikita ang gatlâ sa noo ng ama.