KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

ga•ral•gál


Pangngalan

1. Magaspang na ingay sa pagsasalita kung may nakabará sa lalamunan o may sipon.

2. Nalilikhang ingay sa lalamunan kung nagmumumog.

3. Hindi kanais-nais na tunog ng mákináng sirâ o pumapalya.

  • • paggaralgál: Pangngalan
  • • gumágaralgál: Pandiwa
  • • magaralgál: Pang-uri

ga•ral•gál


Pang-uri

Hindi pino ang tunog (lalo kung sa tinig o makina).
Garalgál na ’yong mga ispiker na ginamit sa event dahil sa kalumaan.

Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.