KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

bu•ô


Pang-uri

1. Walang kulang na bahagi o sangkap.
Buô ang suweldo kung ibigay niya sa kaniyang ina.
KOMPLÉTO, ENTÉRO

2. Hindi sirâ.
Buô pa ang kaniyang damit ay ipinamimigay na niya.

3. Kimpal-kimpal ang anumang bagay (tulad ng pulbos at mga kauri nitó) kung nababasâ ng tubig.
SÓLIDÓ

4. Ganap at walang pag-aalinlangan.
Buô ang aking paniniwalang siyá ay hindi gagawa ng masamâ.

  • • kabuoán, pagbubuô, pagbuô: Pangngalan
  • • bumuô, buoín, ipabuô, mabuô, magbuô, maipabuô, makabuô, pabuoín: Pandiwa
  • buô ang loób
    ➞ Matapang o hindi basta-basta nasisindak.
  • binuô sa ísip
    ➞ Binalangkas o ipinasiya sa sarili.
  • hindî malúlulón nang buô
    ➞ Hindi magpahahamak.
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.