KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

bi•gô


Pang-uri

1. Hindi nagtagumpay.
Bigô ang plano niyang maagaw ang lupa.
PAKYÁS, BIGLÁW

2. Nawalan ng pag-asa bunsod nitó.
Bigô si Denver matapos hindi sagutín ng nililigawan.
AMÍS, KÚLANG-PÁLAD, SAWÎ, SAWÍNG-PÁLAD, UNSIYÁMI, UYÓT

  • • pambigô: Pangngalan
  • • biguín, binigô, mabigô, nabigô: Pandiwa
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.