KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

ba•li•sung•sóng


Pangngalan

Hugis na bunga ng pag-ikid kung saan papaliit ang túngo sa dulo habang paluwang at nakabukás ang sa kabilâ.
ÁPA

ba•li•sung•sóng


Pang-uri

Nakapaikid na papaliit ang túngo sa dulo habang paluwang at nakabukás ang sa kabilâ.
BALISUSÔ, PATALULÔ

  • • magbalisungsóng: Pandiwa
  • • pabalisungsóng : Pang-uri
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.