KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

a•ní•no


Pangngalan

1. Nalilikhang maitim na hugis sa isang rabáw kapag humaharang ang anumang láwas sa mulaan ng liwanag.

2. Tingnan ang repleksiyón

3. Sinuman na maraming pagkakatulad sa isang tao.
Siyá ay búhay na aníno ng kaniyang amá.
LÍLIM, SÓMBRA

  • • panganganíno: Pangngalan
  • • aninúhan, aninúhin, inaníno, mangánino , umaníno: Pandiwa
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.