KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

a•li•mú•om


Pangngalan

Singaw ng lupang nabasâ na karaniwang naaamoy kapag sikát ang araw at biglang umulan.
HUNÁB

  • • maalimuóman: Pandiwa
  • • maalimúom: Pang-uri

a•li•mú•om


Pangngalan

Balitang nakukuha sa lansangan.
KUWÉNTONG-BARBÉRO, BALÍTANG-KUTSÉRO, TSÍSMIS

  • magságap ng alimúom
    ➞ Tumanggap ng mga tsismis o balita tungkol sa ibang tao.
  • mapagságap ng alimúom
    ➞ Mapagbalita ng kung ano-anong kabalbalan.
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.