KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

ak•se•sór•ya


Pangngalan
accesoria
Espanyol

1. TEKNOLOHIYA Labis na piyesa ng makinarya o anumang teknolohiya na nakalaan bílang panghalili sa mga masisira o mawawala.
PAMALÍT, RESÉRBA

2. Anumang palamuti na idinaragdag para sa kagandahan o ginagamit sa pamumustura.
Aksesórya ang nagpapaganda sa simpleng kasuotan.
ACCESSORY

3. Bagay na hindi esensiyal na bahagi ng anuman kung kayâ ay makagagana nang walang ito.

4. Tingnan ang kasabwát

ak•se•sór•ya


Pangngalan
accesoria
Espanyol

Malaking bahay o gusaling nahahati sa mga kuwarto at karaniwan ay pinauupahan.
APÁRTMENT, BÁHAY-PÁUPAHÁN

Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.