KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

pa•rá•tang


Pangngalan

1. Pahayag hinggil sa paggawa ng kapuwa ng isang bagay na masamâ o ilegal, na maaaring may katibayan o wala.

2. Hinala na walang katotohanan, lalo na para sa layuning manira.
Marami siyang parátang laban sa akin na tíla mula sa guniguni.
AKUSASYÓN, BINTÁNG, SAKDÁL, ALEGASYÓN, DEMÁNDA, HABLÁ, REKLÁMO, KÉHA

  • • pagpaparátang: Pangngalan
  • • iparátang, magparátang, maparatángan, paratángan, pinaratángan: Pandiwa
  • • naparatángan: Pang-uri
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.