KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

pan•hík


Pangngalan
man•hík

1. Pag-akyat sa bahay o saanman sa pamamagitan ng hagdan; pinaiklî ng salitang pumanhik.
PUMANHÍK, UMADYÓ, SALTÁ

2. Pag-akyat o pagtúngo sa itaas.

3. Akyat ng kuwarta (kung sa negosyo).

4. Pag-akyat ng tubig sa bahay.

  • • pagpanhík, pamanhík, pamanhíkan, panhíkan: Pangngalan
  • • magpanhík, maipamanhík, mamanhík, mapamanhíkan, mapapanhík, pamanhikán, panhikán, panhikín, pumanhík: Pandiwa
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.