KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

la•rá•wan


Pangngalan

1. SINING Imahen ng anuman na likha ng pagguhit, pintura, kamera, o iba pang katulad.
DIBÚHO, IMÁHEN, LÁMINÁ, RETRÁTO

2. Tingnan ang kamukhâ
Si Peping ay laráwan ng kaniyang ama.

3. Tingnan ang halimbawà
Si Romy ang laráwan ng isang ulirang ama.

  • • paglalaráwan: Pangngalan
  • • ilaráwan, lumaráwan, maglaráwan, mailaráwan: Pandiwa
  • • kalaráwan: Pang-uri
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.