Mga bagay na ibig mangyari o gawin; ninanasang matamo.
Ang hangád ko lang ay makatapos ka sa pag-aaral.
→ ASPIRÁ, BÁLAK, ÍBIG, GUSTÓ, LÁYON, NÁIS, PANGÁRAP
• hangárin, hinahangád, paghahangád: Pangngalan
• hangarín, maghangád: Pandiwa
• mapaghangád, palahangád: Pang-uri
►sa paghahangád ng kagitnâ, isáng salóp ang nawalâ
➞ Kabiguan sa sobrang paghahangad.