KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

de•rét•so


Pangngalan
derecho
Espanyol

1. Tingnan ang karapatán

2. Tingnan ang abogasyá

3. Noong panahon ng Espanyol, uri ng buwis na ipinataw ng pámahalaán.

de•rét•so


Pang-uri
derecho
di•rét•so
Espanyol

1. Tingnan ang tuwíd
Derétso ang tingin niya sa pisara habang nagleleksiyon ang guro.

2. Tingnan ang dirékta
Derétso sa outlet ang pagkasaksak ng charger.

  • • derétsuhín, dumerétso, iderétso: Pandiwa
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.