►bató ang katawán
➞ Tamad.
Hindi nagtatagal sa gawain ang táong bató ang katawán.
►batúmbuháy
➞ Matapang.
Ang isang kawal ay dapat na magkaroon ng isang batúmbuháy na kalooban.
►batóng-tuntúngan
➞ Anumang bagay na kinakasangkapan sa ikapagtatamo ng tagumpay.
Edukasyon ang naging batóng-tuntúngan niya sa pagtatagumpay sa mga pagsubok.
►hindî ang bató ang lumalápit sa susô
➞ Magsikap upang matamo ang bagay na hinahangad.
►bató sa lansángan
➞ Bagay na walang halaga o kabuluhan.
►itagâ sa bató
➞ Pakatandaan o isaisip habambuhay.
Itagâ mo sa bató na ikaw lámang ang mamahalín.
►báhay na bató
➞ Bilangguan.
Nakatirá siya ngayon sa báhay na bató dahil sa sálang pagnanakaw.
►nilulúmot nang bató
➞ Matanda na, matagal nang hindi nagagamit, o wala nang kabuluhan.
►tisúring bató
➞ Madalíng apihin.
Dahil sa kaniyang pagkawalang kibo, ipinalalagay na siya ay tisúring bató.
►humánap ng batóng pamukpók sa úlo
➞ Gumawa ng anumang ikapipinsala ng sarili.
Kapag inampon niya ang batang iyon, para na rin siyang kumuha ng batóng pamukpók sa úlo niya.
►may bató sa báboy
➞ Mahilig manira o magbungkal.
Ang batang iyon ay may bató sa báboy kayâ mapanira ng halaman ng may halaman.
►bató sa manók
➞ Táong madamot.
Si Juan ay may bató sa manók sapagkat kabig lang nang kabig ngunit ayaw namang magbigay.
ba•tó
Pangngalan
1. ANATOMIYA Organ ng tao o hayop na kahugis ng butó ng patani na sumasala sa ihi. → RINYÓN, KIDNEY
2. Tawag din sa nabubuong materyal dito na likha ng mga naipong mineral at asin na nakahaharang sa daluyan ng ihi.
ba•tò
Pangngalan
Bagay na ginagamit sa pagtíra ng mga piyesa sa isang laro na may kailangang tamaan (tulad ng tatsing, buga, tumbang-preso, atbp.) → PAMATÒ
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.