KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

ba•luk•tót


Pang-uri

1. Pagkakaroon ng matalim na kurba sa kabuoang hugis.
KURBÁDO, BALIKÔ, LIKÁW, LIKÔ, BALIKUKÔ

2. Tingnan ang huwád
Baluktót na balita ang nakarating sa kaniyang kapatid na naging dahilan ng pagkagalit nitó.
BALAKYÓT, BUKTÓT, LISYÂ

3. Masamâ o wala sa katwiran.

  • • pagbaluktót : Pangngalan
  • • baluktutín, binaluktót, mabaluktót: Pandiwa
  • • pabaluktót, pambaluktót: Pang-uri
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.