KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

ba•ha•là


Pangngalan

1. Tingnan ang pananagútan

2. Táong responsable sa isang tungkuling iniatang at sa maaaring kahinatnan nitó.

3. Tingnan ang íngat

  • • pabahalà, pagkabahalà, pagwáwalang-bahalà, pamamahalà: Pangngalan
  • • ipabahalà, mabahalà, mamahalà, pamanihaláan: Pandiwa
  • • mapágwaláng-bahalà: Pang-uri
  • winaláng bahalà
    ➞ Hindi pinansin.
    Winaláng bahalà niya ang mga pangaral ng kaniyang magulang.
  • bahalà na
    ➞ Nagpapahiwatig ng pagtanggap sa anumang kahihinatnan.
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.