KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

a•la•lá•ha•nín


Pangngalan
alalá+han+in

1. Anumang nagdudulot ng pagkabalisa o kawalang-kaayusan.
Nabawasan ang aking mga alaláhanín nang gumaling si Ana.

2. Bagay na pinahahalagahan.

a•la•la•há•nin


Pandiwa
alála+han+in

1. Panatilihin sa gunita.
Alalahánin mo ang sinabi mo sa amin noong Lunes.

2. Mabalisa dahil sa isang bagay.
Huwag mong alalahánin iyon.

Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.