ZOOLOHIYA Lamang-dagat, karaniwang pahabâ at balót ng kaliskis ang katawan, may palikpik na ginagamit sa paglangoy, may buntot, at humihinga sa pamamagitan ng hasang.
►párang isdáng kápak
➞ 1. Táong palabihis at mapagmakisig ngunit walang sinasabi at karaniwan pa ay walang pera. 2. Táong malinis ang panlabas na kasuotan ngunit marumi ang panloob.
►malakíng isdâ
➞ Táong kilalá at may malaking katungkulan sa lipunan.
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.