Parang ulap na singaw ng anumang nasusunog. → ÚSOK
• paasó, paasúhan: Pangngalan
• magpaasó, paasuhán, umasó: Pandiwa
• maasó: Pang-uri
á•so
Pangngalan
ZOOLOHIYA Hayop (Canis lupus familiaris) na may balahibo, apat ang paa, at karaniwang inaalagaan; sa kulturang Pilipino, napakikinabangan sa pagbabantay ng bahay at pangangaso. → ÁYAM
• mangangáso, pangangáso : Pangngalan
• mangáso: Pandiwa
►párang áso at pusà
➞ Laging nag-aaway.
Siná Mark at Tirso ay párang áso at pusà kapag nagkatabi.
►párang ásong ulól
➞ Palaaway.
Hindi dapat pakitunguhan ang táong párang ásong ulól kung magálit.
►párang ásong may tangáy na butó
➞ Táong walang tigil sa kauungol kapag hindi na tama sa loob ang ipinagagawa sa kanila.
►párang ásong nahagísan ng butó
➞ Biglang tumahimik; tumigil sa kasasalita.
►maínam na áso
➞ Matapat na bantay.
►dugóng-áso
➞ Taguri sa sinumang mainam mamanginoon.
►buntót-áso
➞ Laging kasunod, laging kakabit saanman pumaroon.
Si Carlos ay buntót-áso kay Leonor.
►ásong-puntóy
➞ Táong malaswa o kayâ mapaggawa ng kabastusan.
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.