1. Paraan ng pagkakalagay o pag-uugnay ng mga bagay.→ ÓRDEN, ORDER
2. Tingnan ang kalagáyan
3. Tingnan ang itsúra
1. Nása wasto o mainam na kalagayan.→ AREGLÁDO
2. Maganda ang itsura o bihis. Bakit ayós na ayós ka ngayon? → BIHÍS, BÓNGGA
3. Gumagana pa; hindi pa sirâ. Ayós pa ba ’yong computer mo?
1. Katanggap-tanggap o nakalulugod. Áyos ang sagot mo sa tanong ko. → TAMÀ, TUMPÁK
2. Nása tamang súkat. Áyos ang damit na ito sa akin kayâ kukunin ko. → EKSÁKTO, SUKÁT
3. Naaangkop. Áyos ang kasuotan mo para sa okasyon. → AKMÂ, BÁGAY, ANGKÓP