1. (Sa isang likido) tuloy-tuloy na pagdaloy sa isang láwas o sisidlan.
2. Galaw ng tao o mga bagay na sabay-sabay, nakapangkat, at patúngo sa iisang direksiyon. → ÁGOY-ÁGOY
• pag-ágos, páagusán: Pangngalan
• agúsan, inágos, paagúsan, umágos: Pandiwa
• maágos: Pang-uri
►sumunod sa ágos, patangay sa ágos
➞ Padala sa takbo ng mga pangyayari o sumunod sa kagustuhan ng karamihan.
Sunod-sunuran sa ágos ang maraming tao ngayon.
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.