KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

wák•wak

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Hiligaynón
Kahulugan

1. MITOLOHIYA Ibon na pagala-gala sa gabí at nagpapahiwatig ng masamáng mangyayari.

2. Tingnan ang aswáng

wak•wák

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nauukol sa anumang tela o balát na may malaking pagkasira.
WAHÁK

Paglalapi
  • • pagkawakwák: Pangngalan
  • • mawakwák: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.