KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

u•gát

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. BOTANIKA Bahagi ng katawan ng halaman na karaniwang tumutubò pailalim sa lupa, nagpapanatili sa pagkakatayô nitó, at sumisipsip ng pagkain at halumigmig.
LAMÓT

2. Tawag din sa anumang bagay na nakakahawig dito sa hugis o tungkulin.

3. Nakabaóng bahagi ng buhok, ngipin, atbp.

Tambalan
  • • lamáng-ugátPangngalan

u•gát

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Ang pinagmulan o sanhi ng anuman.
Pag-ibig sa salapi ang ugát ng tanáng kasamaan.

2. LINGGUWISTIKA Tingnan ang salitáng-ugát

Paglalapi
  • • mag-ugát: Pandiwa

u•gát

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

ANATOMIYA Dalúyan ng dugo sa katawan ng tao o hayop.
LAMÓT

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?