KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ti•yán

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. ANATOMIYA Bahagi ng katawan ng tao na nása pagitan ng dibdib at balakang.
BÁHAY-KÁNIN

2. Organ ng tao na tumatanggap at tumutunaw ng pagkain.

3. ZOOLOHIYA Huliháng bahagi ng katawan ng mga krustaseo na kinakain.

Paglalapi
  • • tiyánin: Pang-uri
Idyoma
  • putíng tiyán
    ➞ Nauukol sa táong kuripot.
  • kukulô-kulô ang tiyán
    ➞ Nauukol sa táong naghahangad ng mataas kahit alam ng lahat ang kaniyang kahinaan o kawalang-kakayahan.
Tambalan
  • • lamáng-tiyánPangngalan

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?