KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

tik•lóp

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagtutupi sa isang bagay upang mapaliit kung isasalansan o dadalhin.

2. Tawag din sa bawat bahagi nitó na nakatupi.

Paglalapi
  • • pagtitiklóp: Pangngalan
  • • ipatiklóp, itiklóp, magtiklóp, matiklóp, pagtiklupín, tiklupín: Pandiwa

tik•lóp

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Sumuko sa isang gawain.
Tiklóp siya nang hamunin sa basketbol.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.